pari ng masa

hagulhol. luha
 sigaw,galit
panalangin
  
pakikiramay, pakikiisa
pagdadalamhati, pagsuporta
pagpupugay,pagkondena
 
 
kaliwete man o kananete
pinagsalubong at pinagtagpo
tumula at umawit
 
ito ay pagsibol
ng binhing iyong ipinunla
dinilig ng iyong dugo
ang iyong pagkilos
ay di hihinto
ang pamamaalam ay di pagtatapos
kapayapaan ay di pangarap lamang
pinag alab mo ang pag asa

You May Also Like