Response on Behalf of CLARETECH Graduates of 2012

Joanard LLeva DerezKagalang galang na bise Alkalde, Joy Belmonte, BIR Director, Jonas DP Amora, Claret School Director, Fr. Renato Manubag, CMF, mga kaparian at bumubuo ng CLARETECH, Mrs Ma. Teresa Bernaldez, Ginoo at Ginang Rosario at Hermie Butaran, mga guro, magulang, kaibigan, kapwa ko mag-aaral at sa lahat ng nandirito ngayon, magandang gabi po sa inyong lahat.

Ako po si Jonard Lleva Derez, dalawamput dalawang taong gulang, kasalukuyang nakatira kina kuya Carlo, pero naninirahan sa Antipolo. Ang tatay ko po ay namamsada at ang nanay ko po ay sa bahay lamang. Isa po ako sa maraming kabataang nangarap na makapag aral at magkaroon ng magandang kinabukasan. Dala po ng aming kahirapan, hindi ko po naipagpatuloy ang aking pag-aaral.

Sumali po ako sa youth community bilang isang choir member at naging aktibo sa nga gawaing simbahan. Hangang sa ako po ay nakapag patala sa CLARETECH at napagkalooban ng scholarship upang makapag-aral ng Computer Programming.

Noong una, akala ko ay hindi ko kayang makipag sabayan sa aking mga kamag-aral dahil nagtatrabaho din ako bilang suporta sa sarili ko. Subalit sa aking pag susumikap at pagtitiwala sa aking sarili na may pananampalataya at gabay ng Panginoon ay nakamit ko ang gantimpala ng aking pagsusumikap.

Sa loob ng walong buwan na pakikibaka sa trabaho, pagtitiyaga at pagsisikap sa pag-aaral, nandito po ako ngayon sa inyong harapan at nagsasalita, nagpapasalamat ng lubusan sa mga taong gumagabay para marating ko ang bunga ng aking pagtitiyaga at pagsusumikap.

Sa pagtatapos naming ito, hindi ito nangangahulugan na tapos na. Subalit ito pa lamang ang simula ng bagong yugto ng mahabang bukas na aking tatahakin. Mag kagayon pa man, mayroon na akong bitbit na sandata, ang bunga ng aming pag- aaral sa CLARETECH.

Maraming pagsubok ang dumating sa aking buhay na inakala ko ay wala na akong pag-asa. Ngunit ang sabi ko sa sarili ko, kakayanin ko ito sa pamamagitan ng tulong ninyo at higit sa lahat ng Maykapal.

Binibigyan niya ako ng pagkakataon kung hangang saan ako katatag sa mga hamon at pagsubok ng buhay. Tama nga talaga binigyan niya ako ng lakas ng loob at ng mga taong aagapay sa akin.

Hindi pala hadlang ang kahirapan at ang kakulangan ng tirahan upang makapag-aral at makamit ang pangarap.

Salamat sa aking mga tapat na kaibigan ng tumulong, nagpapalakas ng aking loob, nag bigay ng masisilungan at higit sa lahat ang mga guro, mga kaparian, mga benefactor, at ang Sangunian na bumubuo ng CLARETECH na siyang nanging susi ng aking kaalaman. Maraming salamat po. Kayo po ang aking Hero.

Sa aking magulang, inaalay ko sa inyo ang aking karangalan dahil kung wala kayo wala ako sa aking kinatatayuan.

Maraming salamat sa gabay ng Panginoon at ako ay naging matatag sa aking paniniwala na sa sipag at tiyaga ang susi ng ating tagumpay na minsan tayo ay nangarap.

Muli, maraming salamat po at magandang gabi sa inyong lahat 🙂 !

You May Also Like