nakaratay, sa wari ko
ang kapirasong bangkay
tuyong dahong namamangka
alipin ng ilog na tamad
hangin ang nagdidikta
malayang bilanggo
paa’y nakapako sa krus ng panaginip
kama’y nakagapos sa hangin
mulat ang mata sa dilim
kamalaya’y kapos ang paningin
damo at talahib ay naghahari
sa kalawakan ng dunong
&nbs p; &nb sp; kalawanging ginto
sagarado, Ikay banal
di- pangkaraniwan
Ika’y sinag na nakakabingi
nakakatupok ng gunita
nakakasilaw na liwanag
nakakadarang na lapitan
nagbibigay init sa kailaliman
nakamamatay ng kahimbingan
nakakabulag ng kamalayan
nakakatunaw ng katauhan
kawalan mo ay kadiliman
kawalan mo ay kamatayan
kawalan mo ay kabalintunaan
kawalan mo ay kawalan
&nbs p; sagradong apoy, banal aking Ama
pagduyan sa tunggalian ng mga kidlat
paglambitin sa giyera ng mga kulog
sa mala impyernong gubat
sayaw sa sampal ng buhay
halakhak at luha ay magkaugnay
kumukulo ang damdamin
sa bagsak ng masong bumabayo
halik ng bigat ng mundo
kaliwa’t kanang bigwas
sa naglilyab na puso
pagka punit ng kabuuan
luhang nakakapaso
sa nagyeyelong kalamnan
panaghoy ng poot ng katahimikan
kamatayan ay aakapin
pagluha’y tagumpay
bukang liwayway sasalubungin
sisibol ang ipinunla
gintong buhay na taglay
hawanin Mo ang takot
sa pagpapanibagong hubog
&nbs p; mapag paubayang pagpapanday Espiritung banal
patirapang iaalay
pakpak Ka sa aking paglipad
sing bilis ng kidlat
dadapong pabulong
sa mga kaluluwang uhaw
sa mga pusong tigang
bubulusok at lalangoy
sa balon na papawi
sa tagtuyong imortal
sisisirin ang yungib
liliparin ang rurok ng dagat
iindayog sa alon ng mundo
bibiggkasin tula ng mga bulkan
aawitin ang Iyong katapatan
sasalungat sa makamundong kumpas
ihahayag ang buhay na salita
salita ng buhay na nagbibigay buhay
itutula ang buhay-pag ibig ng pag ibig na buhay
na nagbibigay buhay
lingkod ng salita
lingkod ng buhay
akoy lilipad, sa iyong hudyat Inay….

