tarak-tarak

 
ang nakagawiang kuwentohan sa trak
ng mga gomerong patungo sa kani kanilang istasyon
ay binasag ng magkakasunod na putok…
 
alas singko y media ng umaga
barangay cabengbeng, sitio along along sumisip basilan
oktobre 23, 2011
 
ang bangungut ay nag iwan ng bakas
duguang bota at container
ng anim na napaslang at walong nasugatan
 
ikaw na may baril
paano maipapaliwanag sa isang anak
na di na muling tutungo si itay sa gomahan
 
paano mo maipadarama sa kanyang may bahay
na ang musikang silbato mula sa trak
ay ingay na magpapaalala sa kanyan iniirog.
 
pula ang dagta na tumutulo sa mga puno ng goma
na wari’y bumubulong sa hangin
at umaalingawngaw sa kabundukan ng basilan
 
KATARUNGAN….

You May Also Like